#HoldTheLine: Sign to support Maria Ressa and independent media in the Philippines

Objetivo alcanzado

Ayúdanos a seguir luchando

Colabora

Hazte socio

Firma nuestras peticiones

On behalf of the #HoldTheLine Coalition, Reporters Without Borders (RSF), the Committee to Protect Journalists (CPJ), and the International Center for Journalists (ICFJ) are calling for public support for Maria Ressa and independent media in the Philippines.

(*Narito ang petisyon na isinalin sa Filipino)


 An internationally celebrated Filipino-American journalist, Maria Ressa is best known for two decades covering South East Asia for CNN and founding the multi-award winning Philippines news website Rappler. 


On 15 June 2020, Ressa was convicted of “cyber-libel,” alongside former Rappler colleague Reynaldo Santos Jr -- a criminal charge for which they face up to six years in prison. The conviction relates to a story about corruption from 2012 - before the law was even enacted - and hung on the correction of a typo. 


Although they both posted bail, Ressa and Santos could be imprisoned if the cyber-libel case is not overturned on appeal. Ressa is facing at least six other cases and charges. Guilty verdicts in all of these cases could result in her spending nearly a century in jail.  


Rappler is also implicated in most of these cases, with several involving criminal charges related to libel, foreign ownership, and taxes. 


These cases are the latest offense in the Duterte government’s wider campaign to stifle public interest reporting. In May, the government ordered the closure of ABS-CBN, the country’s biggest and most-watched news broadcaster. 


Impunity for violence against journalists presents another threat to journalists, particularly those reporting critically on Duterte’s violent “war on drugs”. At least seven journalists have been killed because of their work in the Philippines since Duterte came to power in 2016 - the latest as recent as May 2020.


For independent media in the Philippines, these targeted attacks and legal threats pose a clear and present danger to press freedom. As a matter of urgency, please sign this petition calling on the Philippine government to drop all cases against Ressa, Santos, and Rappler and cease attacks on independent media in the country. Share this appeal using the #HoldTheLine hashtag!



Credit image : Maria TAN / AFP 

Donations received through this petition are collected on behalf of Rappler, to support their fight to #HoldTheLine in the Philippines. 

--



Petisyon na isinalin sa Filipino :

#HoldTheLine: Pumirma bilang suporta kay Maria Ressa at sa malayang pamamahayag sa Pilipinas

Sa ngalan ng #HoldTheLine Coalition, nananawagan ang Reporters without Borders (RSF), Committee to Protect Journalists (CPJ), at International Center for Journalists (ICFJ) ng suporta para kay Maria Ressa at sa malayang pamamahayag sa Pilipinas.


Si Maria Ressa ay isang bantog na mamamahayag na Filipino American, kilala sa kanyang dalawang dekadang pag-uulat tungkol sa Timog-Silangang Asya para sa CNN at sa pagtatag ng news website na Rappler.

Noong Hunyo 15, 2020, si Ressa at ang dati niyang kasamahan sa Rappler na si Reynaldo Santos Jr. ay nahatulan ng “cyberlibel,” isang  krimen na maaaring magbilanggo sa kanila nang hanggang anim na taon. Ang hatol ay base sa isang report tungkol sa korupsiyon noong 2012 — noong wala pang cybercrime law  — at itinuturing na “muling paglalathala” dahil lamang sa pagwawasto ng isang typographical error.


Nakapagpiyansa man ang dalawa, maaari pa ring makulong sina Ressa at Santos kung ibabasura ng korte ang kanilang apela.


Bukod dito, anim na kaso pa ang kinakaharap ni Ressa. Kung hahatulan siyang nagkasala sa lahat ng ito, maaari siyang makulong nang 100 taon. Kasama ang Rappler sa karamihan ng kasong ito, katulad ng mga krimeng paninirang-puri, pagmamay-ari ng dayuhan, at pag-iwas sa pagbabayad ng buwis.


Hindi tumitigil sa mga kasong ito ang panggigipit ng administrasyong Duterte upang sugpuin ang pag-uulat tungkol sa kapakanan ng madla. Nitong Mayo, isinara ng gobyerno ang ABS-CBN, ang pinakamalaking brodkaster sa bansa.


Nakaabang din sa mga mamamahayag, lalo na sa mga nagbabalita tungkol sa madugong “giyera kontra-droga” ni Duterte, ang banta ng karahasan. Hanggang ngayon, wala pang napaparusahan sa mga nanakit at pumatay sa pitong mamamahayag simula nang maluklok sa puwesto si Duterte noong 2016. Nitong Mayo 2020 lamang, naitala ang pinakabagong insidente. 

Ang mga atake at bantang ito ay malinaw at lantarang paglabag sa malayang pamamahayag.


Ang panawagan sa pakikiisa para malayang pamamahayag sa bansa ay nangangailangan ng agarang tugon. Pumirma sa panawagang iurong ng pamahalaan ang mga kaso laban kina Ressa, Santos, at sa Rappler. Itigil ang pananakit at panggigipit sa media. Ipamahagi ang petisyong ito gamit ang hashtag na #HoldTheLine!


Publié le
Updated on 29.07.2020